Ang kamay ng diyos..
sa aking paggising, nasilayan ko
ganda ng umaga at malalagong damo.
hamog ng magdamag, perlas ngang totoo.
pumapalamuti sa halamang kay bango.
ang kapaligira'y payak at tahimik.
tanging naririnig ay awit ng pipit.
sa saliw ng tugtog ng sariwang hangin..
tila nagsasabing, sumabay ka sa amin.
Buntong hininga ko'y di mappigilan.
sa mga nakita at napagtuunan.
naisip kong "sino kaya ang may lalang?
sinong tumitingin, sinong nagmamahal?
kaninong kamay bang laging humahaplos.
tuwina'y alagang pruta na bubot;
upang bandang huli'y yumabong, huminog,
at pakinabangan itong kanyang handog.
aking napagliming walang ibang kamay,
sing kapangyarihat sing galing magyaman.
ang kanyang iniirog niyang tunay,
walang di gagawin kung kinakailangan.
ngayon ko natanto na ang mundo pala,
hinubog ng lubos ng mga kamay niya,
ang langit at lupa, at lahat lahat na,
"nagpapamalas lng..tayo'y pinagpala."